Tagalog Love Quotes | Para Makapag-Move On ka na sa Kanya

Kakagaling mo lang ba sa isang sobrang sakit na break-up? Pero dahil sa mahal mo pa siya ay umaasa ka pa rin na kayo’y magkabalikan at mabuong muli ang inyong pagmamahalan.
Hindi naman masamang umasa, wala naman tayong magagawa eh mahal mo pa yung tao syempre gusto mong bumalik siya sa’yo. Pero ang hindi tama ay yung habang umaasa kang mahal ka pa rin niya at naghihintay sa walang kasiguraduhan na kayo’y magkabalikan ay naapektuhan na nito yung personal life mo at mga taong nakapligid sa iyo. It’s not right and it’s not healthy for you or for the people that love you. Huwag mong paikutin ang mundo mo sa isang tao na nang-iwan sa’yo. You have to keep moving forward, it’s what’s best for you beshy. Nakaparami pang tao sa buong mundo at balang araw ay dadating din yung taong para sa’yo, taong magmamahal sa’yo hanggang sa pagtanda niyo. So read these quotes, malay mo makatulong ito sa’yo sa pag-mo-move on mo sa kanya. Fighting !

“I’m happy not because i’ve moved on
but because i know there’s someone much better than you
that God has prepared for me.”

Dapat ganito ang maging mindset natin after break up. Hindi yung kung anu-anong desperate moves yung ginagawa natin para bumalik siya pero in reality wala naman na talagang pag-asa, so sayang lang yung effort and time mo. Instead, just be glad that he/she became part of your life so that you would be prepare for the right person for you.

“Bakit ganon?
Ang dali-daling mahulog, pero napakahirap mag-move on.”

Ganon talaga? Parang nasugatan lang din yan. Madali kang masusugatan pero yung paghilom at paggaling nang sugat mo ay matagal. Remember, kapag nasugatan ang iyong puso hindi ka man pisikal na nasaktan, matagal din maghilom at gumaling yan. Sabi nga nila “time heals all wounds”. Kaya kapag nag-move on ka huwag mong madaliin or biglain because it takes time talaga para masabi mong okay ka na at talagang magaling na.

“Huwag mong sisihin ang sarili mo kung bakit siya bumitaw,
dahil hindi ikaw ang nagkulang, sadyang may mga tao lang talaga na hindi marunong makuntento.”

Hindi lahat ng taong dadating sa buhay mo ay mag-i-stay. Marami ang dadadaan lang at iiwan ka din. Pasasayahin ka pero sa bandang huli ay sasaktan ka lang din. Pero huwag kang mag-aalala dahil dadating din yung taong aalalagaan ka at magmamahal sa’yo habambuhay.

“Huwag mong pilitin na magmahal ng iba,
kung alam mo sa sarili mong di mo pa siya kayang kalimutan”
“Pilitin mong ngumiti at tumawa kahit na deep inside durog na durog ka na.
Para maipakita mo sa kanya na kaya mong maging masaya kahit wala na siya.”

Hindi mo kailangan ng ibang tao para maranasan at maramdaman ang tunay na kasiyahan at kaligayahan. Be strong. Be Happy. Enjoy Life.
Heads-Up. Take a Breath. Smile. And remember, You are a Strong and Independent Woman/Man!

“Mayroon talagang mga taong kahit anong iwas ang gawin mo, pilit paring hinahanap at sinisigaw ng puso mo.”
“Okay lang na masaktan, at least nalaman mong hindi talaga kayo para sa isa’t isa at may mas better na nakalaan para sa’yo.”

Maraming tao ang ang dadating sa ating buhay pero hindi naman mananatili, sila yung tipong dadaan lang, mga taong magpapasaya sa atin sa maikling panahon, mga taong sasaktan ang ating mga puso at marami pang iba. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito ay dadating ang panahon na dadating yung taong mananatili at tunay na magmamahal sa atin, magpapasaya sa atin, magpapahalaga at mag-aalaga sa atin habang buhay.

“Huwag mong idepende sa ibang tao ang HAPPINESS mo
dahil dadating at dadating ang time na mawawala at iiwan ka din nila.”
“Huwag mong ipagsiksikian ang sarili mo sa taong ayaw sa’yo dahil dadating din yung taong tatanggap sa’yo ng buo kahit na hindi mo ipagpilitan ang sarili mo.”
“Kapag super sakit na, Let go na bes. Because it’s not worth it anymore.”
Share this on:

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*