Tagalog Love Quotes | Para sa mga Sawi sa Pag-Ibig

Isa ka ba sa mga taong sawi sa pag-ibig, na sinaktan ng lubusan, iniwang mag-isa sa ere, ipinagpalit sa iba, pinaasa sa wala. Huwag kang mag-aalala my friend, dahil ang lahat ng pinagdadaanan mo ay mga pagsubok lamang para mas lalo ka pang mag-mature, maging malakas, matatag at handa sa tamang panahon na dumating ang taong tunay at wagas na magmamahal sa iyo. Lahat ng sakit at kirot na naranasan mo ay gamiting mong motibasyon upang mas maging better version ng iyong sarili, inspirasyon na huwag mawalan ng pag-asa at patuloy na magmahal, to keep trying until you met your ‘the one’. Kaya naman eto ang mga Quotes para sa taong katulad mo na sawi sa pag-ibig upang kahit papaano ay maibsan ang sakit na meron sa puso mo at upang makatulong din sa iyo kung ano ang dapat mong gawin sa susunod na pagkakataong na magmahal ka.

“Hindi porket ‘di mo ako nakikitang umiiyak,
eh ibig sabihin na nun ay hindi na ako nasasaktan.”

Sabi nila kung sino pa daw yung mga taong masayahin at palatawa ay sila pa yung mga malulungkot at durog na durog inside, and i guess that’s true. Kasi maraming tao yung ayaw nilang nakikita ng iba na malungkot at umiiyak sila kasi ayaw nilang makita yung kahinaan nila. Pero sa mga panahong malungkot at nasasaktan tayo dun natin malalaman yung mga taong totoong nagmamahal at nagmamalasakit sa’tin. At lagi din nating tatandaan na ang pag-iyak ay hindi tanda ng kahinaan. Tao ka lang, nasasaktan din. Wipe your tears, get up and keep fighting.

“Ang hirap talagang kalimutan at pakawalan nung taong kahit hindi naman naging kayo pero siya yung nagbibigay saya at bumubuo ng araw mo.”

Sa totoo lang, madali lang naman kalimutan at pakawalan ang isang tao eh, ang mahirap kalimutan ay yung pinagsamahan ninyo. Yung mga araw na magkasama kayo at yung mga masasayang panahon na pinagsaluhan n’yo.

“Huwag kang magmahal ng taong hindi pa tapos magmahal sa iba.
Dahil sa huli, ikaw lang din ang masasaktan.”

Magmamahal ka nalang kasi dun pa sa taong alam mong may mahal na iba. Tapos sasabihin mo ayaw mo nang masasaktan pero ikaw pa mismo yung gumagawa ng dahilan para masaktan ka. Anyare?

“Darating at darating yung panahon na susuntukin ka nalang ng realidad
na wala ka nang karapatan na mam-miss siya.”

Kung mahal mo pa, huwag mong sukuan at iwan. Hindi yung napagod ka lang, umayaw ka na agad tapos kapag meron na siyang iba tsaka mo siya hahabulin at magdadrama ka na miss na miss mo na siya, at dapat pala ipinaglaban mo siya. Tandaan mo, nasa huli lagi ang pagsisisi.

“Ang hirap makitang may mahal na iba yung yung taong mahal mo.
Pero ang masakit pa nito ay yung malaman mong ikaw
ang naging tulay para magkatuluyan sila.”

Pero real talk, ganyan naman talaga kasi dapat sa Love, dapat marunong tayong mag-let go para sa happiness nila. Because that will show how much we love them that we’re willing to give up our own happiness for theirs.

Kaya sige lang! Sama-sama tayong magpakamartir sa pag-ibig. Puso! hahaha

“Kapag hindi niya kayang suklian yung pag-ibig mo,
huwag mong ibigay ng buo.”
“Do you know what hurts the most?
When you give your everything to someone
yet they still choose someone else over you.”
“Yung may nagpatugtog tapos naalala mo siya
kasi yun ang palagi niyong kinakanta.”
“Sa pag-ibig, kahit na sobrang saya n’yo,
dadating at dadating din yung oras na may bibitaw at magsasabing “Ayoko na.””
“Tandaan mo, kapag minahal mo ang sa isang tao
ay parang binigyan mo na rin siya ng kararapatan na saktan ang puso mo.”
“Yung Crush ko pa lang pero ang sakit sakit na.”
“You’re not mine. You don’t want me.
Just like that, You broke me once again.”
“Huwag kang magmahal ng taong alam mong
hindi ka kanyang ipaglaban at panindigan.”
“Hindi tama yung pagmukhain mong tanga yung isang tao na walang ginawa kundi yung mahalin ka ng sobra”
“Yung siya na lang nagbibigay tamis ng buhay mo tapos iniwan ka pa.”
“Kung okay lang sa kanya na mawala ka sa buhay niya,
isa lang ibig sabihin nun, ni kailanman ay di ka naging mahalaga sa kanya.”
“If you love someone showing it is better than telling them.
But if you stop loving that someone, telling it is better than showing it to them.”
“I hate that I’m still hoping.”
Share this on:

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*