Aray Ko Bes! Quotes

Sabi nga di ba sa kasabihan “Truth hurts.” Well true naman talaga yun. Kaya eto at aming inilista ang ilan sa mga katotohanang kailangan mong malaman na siyang sasampal sa iyo para magising, maliwanagan at matauhan ka na sa lahat ng kahibangan at kabaliwang ginagawa mo para sa kanya, sa lahat ng katangahan na ginagawa mo para lang mapansin niya, at sa lahat ng pagpapanggap na pilit mong ginagawa para lang magustuhan niya.

Kaya naman Bes, Gising gising din pag may time hane? Huwag kang masyadong umasa na yung mga panaginip mong magugustuhan ka niya ay mangyayari sa totoong buhay. Mahirap na baka mamaya mabudol ka at sa huli ikaw lang ang masaktan at umiyak, di ba? So, sana makatulong ang mga quotes na ito para matauhan ka na sa masakit na realidad ng buhay at pag-ibig.

“Ayaw daw nya masaktan pero asa ng asa.”

Kumukulo yung dugo ko sa mga taong ganito eh. HAHAHA Yung ikaw yung pagbubuhusan nung mga sama ng loob nila tapos kapag pinayuhan mo naman kung ano yung dapat nilang gawin para di na sila masaktan ulit eh hindi naman susundin. Kaimbyerna lang! Sampalin kaya kita nang padakot ng matauhan ka.

500
“Hindi siya manhid, sadyang sa iba lang talaga siya may feelings.”

Makasumbat at makapanisi ka dun sa taong manhid siya eh ikaw lang naman tong asa ng asa kahit na alam mong wala naman talaga siyang nararamdaman sa’yo in the first place. Huwag maging kaladkarin bes HAHAHA.

“In a relationship ka nga pero Querida, Kabit, Number 2, Mistress lang naman.”

Yung makikipag-relasyon ka nalang dun sa mga may jowa or may asawa pa. Bakit? kasi nagmamahal ka lang naman. Naku! Laos na yung palusot na yan. Nagmahal ka nga pero nakasakit ka naman ng ibang tao, so sa tingin mo tama yun? NO, NOT AT ALL. Kung magmamahal ka, siguraduhing mong nasa lugar at yung wala kang ibang tao na masasaktan.

“Pinapakilig ka lang but never kang seseryosohin nyan,
huwag kang umasa.”

Hindi porket napaka-sweet, napaka-thoughtful, super caring at palagi kang pinapakilig nung tao ay interesado at may gusto na sa’yo. Naku iwas iwasan mong umasa sa mga ganitong tao. Marami taong ganyan ngayon, napaka-sweet pero never ka naman liligawan or magpapaligaw sa’yo.

“Sorry, the number you have dialed is either wala nang pakialam sayo
or may kapiling nang iba.”

Kapag hindi na siya madalas magtext, sobrang ikli nalang ng conversation niyo, super tagal na niyang mag-reply, ikaw nalang ang palaging nag-iinitiate ng conversation, Isa lang ibig sabihin niyan, wala na, finish na.

“Yung akala mo gusto ka na niya, pero sweet lang pala talaga siya.”

Sa panahon natin ngayon, ang hirap alamin at kilatisin kung yung tao ay interesado talaga sa’yo or baka paasa lang. HAHAHA Kaya ikaw kapag sweet sa’yo at pinakilig ka, huwag agad mag-assume at umasa. Confront him/her and linawin mo sa kanya kung ano ba talaga para sure hane? yun lang. HAHAHA I dare you XD

“Friendly Advice: Huwag kang mag-assume kung ayaw mong masaktan.”

Maraming nasasaktan sa maling assume, tandaan mo yan. Hindi porket pina-kilig ka lang bumigay ka na agad. Huwag maging MARUPOK, okay? hahaha XD

“Buti pa yung Chicken may Breast.”

No comment nalang ako dito. We’re all beautiful in our own way. Hindi mo kailangan sundin ang standard ng ibang tao. You are fearfully and wonderfully made. Period.

“Taken ka nga pero for granted lang naman.”

Minsan kasi pumapasok tayo sa isang relasyon para lang masabi na may Jowa tayo. Kasi kapag may jowa ka, magiging masaya ka at para masabing may nagmamahal sa’yo. Tandaan mo never naging requirement ang pagkakaroon ng Jowa para maging masaya ka at masabing may nagmamahal sa’yo. Andyan yung mga kaibigan at pamilya mo. Kaya kapag makikipagrelasyon ka ay siguraduhin mong dun sa taong mahal ka at mahal mo hindi yung sa wala lang para lang may jowa ka.

“Malabong maging kayo, iyon ang malinaw bes!”
“Nag-click pero hindi na-develop.”
“Yung Hanggang MU nalang kayo.
Manhid siya.
Umaasa ka naman.”
“Yung sineryoso mo siya pero ikaw pinaglaruan lang niya.”

Share this on:

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*