Top 5 SANA Ginawa Mo Nung Kayo Pa (Umaasa Edition)

Inilista namin ang ilan sa mga SANA-ng hanggang ngayon ay iyo pa ding pinagsisisihan na dapat ginawa mo nung nandiyan pa siya, nung mayroon pang kayo sa inyong dalawa, eh di sana ngayon hindi ka umiiyak at nasasaktan at humihiling na balikan ka pa niya.

“Sana mas inunawa at pinakinggan kita noon eh di sana tayo pa hanggang ngayon.”

Minsan kasi dahil sa pagpapadala natin sa matinding bugso ng ating damdamin ay may mga nagagawa at nasasabi tayong mga bagay na hindi natin sinasadya. Kaya naman sa isang relasyon, dapat kapag mayroon mang problema o maliit na hindi pagkakaunawaan ay huwag natin itong iresolba nang may galit sa ating puso bagkus ay pag usapan ito nang may bukas at kalmadong pag-iisap para sa huli ay walang tayong pagsisishan.

“Sana mas ipinakita at ipinaramdam ko sa’yo kung gaano kita makamahal at
gaano ka kahalaga sa buhay ko”

Sabi nga nila, gaano daw ba talaga katangkad si Pagsisisi at palagi siyang nasa huli? Totoo naman, kaya dapat maging paalala din sa atin ito pagdating sa pag-ibig na dapat hangga’t kasama natin sila ay iparamdam natin sa kanila na mahal na mahal natin sila at kung gaano sila kahalaga sa buhay natin para mapanatiling mainit at malago ang inyong relasyon. At kung sakali man na (pero wag naman sana) mauwi sa hiwalayan ang inyong relasyon ay wala kang pagsisisihan dahil alam mo sa sariling mong ginawa at binigay mo yung lahat, marahil ay sadyang hindi lang talaga kayo para sa isa’t isa.

“Sana mas inappreciate ko yung mga efforts anf time na ibinigay mo sa’kin”

Minsan kasi sa buhay natin kapag nakasanayan na natin ang isang bagay ay madalas binabalewala nalang natin at hindi masyadong pinagtutuunan ng pansin ang mga ito. Katulad sa isang relasyon, kapag nakasanayan na nating palagi silang nandiyan may mga times na talagang nate-take for granted na natin sila sa lahat ng ginagawa nila para sa atin, at ang masaklap pa nito, ito ang nagiging dahilan ng panlalamig na nauuwi sa masakit na hiwalayan.

“Sana hindi agad ako bumitaw nung nakaramdam ako ng pagod.”

Sa isang relasyon, especially yung talagang mahaba na ang inyong pinagsamahang dalawa, dadating at dadating ang panahon na mayroong isa sa inyo ang makakaramdam ng pagod at aayaw na, pero lagi nating tandaan na bago tayo bumitaw at makipaghiwalay, atin muna itong lubusan pag-isipan, kung kaya ba nating mawala sila sa buhay natin at kung kaya ba nating hindi sila makasama.

“Sana binigyan kita ng second chance imbis na magpadala sa galit at selos.”

Minsan kasi sa sobrang galit at matinding selos na ating nararamdaman ay nakakagawa tayo ng mga maling desisyon na sa huli ay atin din namang pinagsisisihan. Lagi nating tandaan na mayroong mga pagkakamali na hindi sinadya pero hindi kailan man kayang itama ngunit mayroon din namang mga pagkakamali na hindi rin talaga sinadya pero maaari pang ayusin at itama. Kaya kapag may mga taong nakasakit o nakagawa ng mali sa atin ay dapat huwag tayong maging madamot sa pagbibigay sa kanila ng isa pang pagkakataong itama yung mga maling ginawa nila pero still lagi din nating isipin kung deserve ba nila ito, huwag tayong maging tanga at marupok na basta basta nalang itong ibibigay para maiwasang maulit yung sakit na naramdaman mo.

Share this on:

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*