Top 5 SANA Ginawa Mo Nung Kayo Pa (Wasak Edition)

Ito ang list ng mga bagay na hanggang ngayon ay iyo paring pinagsisihan, mga bagay na hiniling mo na dapat nangyari, mga SANA-ng dapat nung una palang ay ginawa mo na nung kayo pa para hindi ka na nasaktan ng sobra sobra.

“Sana hindi kita minahal ng sobra para hindi rin ako nasaktan ng sobra.”

Ito ang pinakamasakit sa isang relasyong, yung ibinigay mo ng buo yung pagmamahal mo, isinakripisyo at ginawa mo na ang lahat para sa kanya pero hindi pa rin sapat at sa huli ay ikaw pa ang nasaktan ng lubos-lubusan. Kaya tama nga ang sabi nila na sa laro ng pag-ibig kung sino ang unang magmahal ay iyon ang talo, masakit man pero iyon ang katotohanan. Kaya dapat kapag nagmahal ka huwag mong ibigay ng buo yung puso mo para kung sakali mang masaktan ka (huwag naman sana) ay masakit lang hindi sobra-sobrang sakit.

“Sana hindi na kita ulit tinanggap nung nakipagbalikan ka
para hindi na nadoble yung sakit na nararamdaman ko ngayon.”

Dapat lagi nating itatak sa ating isipan na hindi lahat ng tao ay deserve ang second chance minsan kailangan na natin tanggapin ang mga nangyari at mag-move on nalang. Kaya naman, dapat hindi sa lahat ng oras na humingi siya ng patawad sa’yo ay tatanggapin mo siya agad, Huwag maging marupok bes dahil sa huli panigurado ikaw lang din ang iiyak at masasaktan. Don’t allow yourself to be hurt by people that don’t deserve you and your love.

“Sana hindi na ako nagbulagbulagan pa nung unang beses mo akong niloko.”

Sa panahon natin ngayon ay nakapakaraming tao ang masyadong bulag sa pag-ibig, yung tipong paulit ulit nang niloloko pero paulit ulit pa ring umaasa kaya ayun madalas silang mabigo, maiwan at masaktan. Ang hirap kasi sa karamihan ay mas pinipili pa nilang magbubulag-bulagan at paniwalaan yung ilusyon na masaya silang magkasama kaysa sa katotohanang hindi na siya magbabago at kailangan mo na siyang kalimutan at pakawalan. Huwag tayong magpakatanga sa pag-ibig at matuto na tayo sa unang pagkakamali pa lang para yung yung sakit ay hindi na muling maulit.

“Sana mas inuna ko yung sarili kaysa sa’yo na hindi naman ako binigyang halaga.”

Bakit kaya ganun? Mayroong mga tao na dadating sa buhay natin na mas mamahalin, aalagan at papahalagahan natin kaysa sa ating sarili pero sa bandang huli ay iiwan at sasaktan lang din naman pala nila tayo. Kaya tama nga ang kasabihan, bago tayo magmahal ng isang tao ay dapat matutuhan muna nating mahalin ang ating sarili dahil kung hindi ay paniguradong paulit ulit ka lang masasaktan. Learn to love yourself first dear.

“Sana hindi nalang kita nakilala para hindi na ako nasaktan ng sobra sobra.”

Nasa huli ang pagsisisi, tama nga naman di ba pero wala tayong magagawa ganun talaga ang buhay eh. Kung hindi mo susubukan gawin yung isang bagay na gusto mo ay hindi mo malalaman kung worth it ba ito. Likewise, kapag nagmahal tayo, hindi natin malalaman kung sila na nga talaga ang makakasama natin habang buhay kung hindi natin sila mamahalin di ba? Love is a Trial and Error. Yes, marami kang taong makikilala at mamahalin mo ng sobra, marami dito ay iiwan ka at sasaktan ka pero ang mahalaga ay sa kabila nung mga taong nananakit sa’yo ay may makikilala kang isang tao na tunay na magmamahal, mag-aalaga at papahalagahan ka, yung tipo na mapapasabi ka nalang sa sarili mo na napaka-blessed mo dahil nakilala at ibinigay ng Diyos ang taong ito para sa iyo.

Share this on:

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*