Top 10 Signs na UMAASA Ka na Bes!

Ilan lang ang mga ito sa mga signs na ikaw ay talagang UMAASA na Bes sa kanya! Pero hindi naman masamang umasa huwag lang yung sobra sobra para kung sakali mang hindi magwork ay hindi ka din masasaktan ng sobra sobra. Dami kong sinasabi HAHAHA Basahin niyo na nga lang. XD

1. Isang aya niya lang sa’yo, Gora ka kaagad.

Ikaw ba naman ayain ni crush di ba ng gala, hihindi ka ba? Makakasama mo siya, aayaw ka pa ba? No way! At dahil marupok tayo syempre gora lang ng gora. I will clear all my schedule basta makasama lang kita. HAHA

2. Hindi buo yung araw mo kapag hindi mo siya nakikita.

Naka-experience na ba kayo ng ganito? Yung tipong sa buong araw puro nalang bad vibes yung nasagap mo pero in just one look lang kay crush, sa isang smile niya lang boom! wala na lahat ng bad vibes mo na parang bula. Magiiiiiiic!! XD

3. Kapag may gala, madalas ikaw ang nanlilibre.

Syempre pampalakas din kay crush ito nuuuu! Okay lang na ako yung manlibre basta makasama ko lang siya. ayieeeeeeeh!

Pero babala mga beshie, hinay hinay lang din ah huwag mdalasan ha! baka mamaya niyan palagi mo siyang nililibre pero tinitipid mo naman yung sarili mo. Bad na yun. Libre moderately lang HAHA XD

4. Ang bilis mong um-Oo kapag humihingi siya ng favor sa’yo.

Dito man lang maramdaman kong may halaga din ako sa kanya, na kailangan niya ako. Tapos syempre yung simpleng smile at thank you niya lang sakin bawing bawi na dun sa mga pagod. Hay nako, ang hirap maging marupok HAHA.

5. You want to spend more and more of your time with him/her.

Eh sino ba naman hindi di ba? Kahit na wala kaming gawin, kahit na nakatunganga lang kami, kahit na titigan ko lang siya buong araw solve na solve na ako! aminin ninyo kayo rin! kaya wag ako! HAHAHA

6. Ang bilis mong magreply sa mga text at chat niya at sumagot sa mga tawag niya.

Ganun talaga! Siya yun eh! HAHAHAHA Minsan pa nga isang text lang niya ang dami kong reply eh tapos yung ringtone din iniiba ko para alam ko kung siya yung tumatawag. Magsiaminan kayo! ginagawa niyo rin ito. Madapa na una yung mukha ang magde-deny! HAHAHA

7. Tawang tawa ka sa mga jokes at banat niya kahit na super waley at corny na.

Bakit kaya ganun hano? automatic na yung reaction, yung tawa natin kapag si crush na yung nagjojoke at bumabanat. Yan tayo eh! Karupukan to the Highest Level ituuuuu! HAHAHAHA

8. Palagi mo siyang tinatanong at kinakamusta sa iba pa niyang mga kaibigan.

Balik tayo sa Number 2, oh ayan ang dahilan! HAHAHAHA

9. Kapag kasama mo siya ay lagpas langit ang kilig mo pero parang wala lang sa kanya.

Hindi lang lagpas langit, lagpas hanggang universe. OA na HAHAHA Eh kasi naman di ba yung taong nagpapatibok ng puso mo ay kasama mo. Yan ang da best feeling para sa akin ever. Iba na talaga yung karukupukan level HAHAHA

10. Alam mong hanggang kaibigan ka lang sa kanya pero asa ka pa rin ng asa na magiging more than that.

Ito ang pinakamasaklap, yung kaibigan ka lang. Pero bakit? Masama bang umasa na magiging more than that yung pagtrato niya sa’yo, na marereciprocate din niya yung feelings na meron ka sa kanya. Tiwala lang bes. Tsaka mararamdaman mo naman yun kapag super wala na talagang wala nang pag-asa and you have to move on. Masakit pero may lesson. Yun naman ang mahalaga eh yung may matutunan ka para kapag nagmahal ka ulit alam mo na ang dapat mong gawin. Did that made any sense? HAHAHA Basta keep trying na lang. 🙂

Share this on:

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*